
时间:2025-01-31
在手机上保存,获得更好体验
Tupad Na Ang Pangarap - Trina Belamide/TriBe Singers/Ayie Remonte/Eugene Cailao
Lyrics by:Trina Belamide
Composed by:Trina Belamide
Produced by:Trina Belamide
Kay raming pangarap minsan natutupad
Minsan 'di para sa atin
Sa mga pagkakataong ito
Ako'y nagpapasalamat pa rin
Sa pagsikat ng araw
Liwanag ng buwan at bituin
Tubig sa dagat mga puno't bundok
Sariwang simoy ng hangin
O kay ganda ng ating mundo
Nasisilayan ng aking puso
At sa mga biyayang ito
Tupad na ang pangarap ko
Tupad na ang pangarap ko
Mga bituin sa kalangitan
Kailangan bang abutin
Kung liwanag nito't pagniningning
Ay kaligayahan na sa akin
Bahaghari pagkatapos ng ulan
Halakhak at awiting kay sarap pakinggan
Mga taong mabait at mapagbigay
Yakap at ngiti ng mahal sa buhay
O kay ganda ng ating mundo
Nasisilayan ng aking puso
At sa mga biyayang ito
Tupad na ang pangarap ko
Tupad na ang pangarap ko
Kagandahan kabutihan
Kaligayahan ang hatid
O kay ganda ng ating mundo
Nasisilayan ng aking puso
At sa mga biyayang ito
Tupad na ang pangarap ko
Tupad na ang pangarap ko
O kay ganda ng ating mundo
Tupad na ang pangarap ko