Kung ano ang iyong nakikita
Ganyan talaga ako
Walang sikre-sikreto
Sa mga pag-aari ko
Dugo, pawis at luha
‘Yan ang pinuhunan ko
Walang kailangang ilihim
Ikaw ba’y katulad ko
Walang takip, walang tinatago
Walang lihim itong aking mundo
Kung ika’y kasing tapang ko
Lahat ay iladlad mo
Walang takip, walang tinatago
Ikaw ay sikat at mayaman
Swabeng-swabe ka pa gumalaw
Nguni’t bakit nila sinasabi
Na may tinatago ka raw
Ikaw ba’y marangal na tao
Anong tunay na kulay mo
Kitang-kita mo ang sa akin
Ipakita mo rin sa ‘yo
Walang takip, walang tinatago
Walang lihim itong aking mundo
Kung ika’y kasing tapang ko
Lahat ay iladlad mo
Walang takip, walang tinatago
Walang takip, walang tinatago
Ikaw ba’y marangal na tao
Anong tunay na kulay mo
Kitang-kita mo ang sa akin
Ipakita mo rin sa ‘yo
Walang takip, walang tinatago
Walang lihim itong aking mundo
Kung ika’y kasing tapang ko
Lahat ay iladlad mo
Walang takip, walang tinatago
Walang takip, walang tinatago
Walang takip, walang tinatago
Walang takip, walang tinatago