Sugatan - Filipino Translation Of La Herida-Bubbles Bandojo rc

Sugatan - Filipino Translation Of La Herida

时间:2022-04-15

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
歌词

Baguhin Mo ang sugatan kong katawan

At hilumin nang Kita’y matagpuan.

Puso ma’y mapagod nang magmahal,

at mahapo man sa mahirap na daan.

Madapa man sa ating nilalakaran

At mabigo man sa mga inaasam.

Alalahaning may Amang nagmamahal,

Siya’y kasagutan sa lahat ng agam-agam.

Atas Niya sati’y magpahayag

Nang sa pag-ibig Niya’y mayakap ang tanan.

Baguhin Mo ang sugatan kong katawan

At hilumin nang Kita’y matagpuan.

Diwa man namin ay namimitig

Sa tuksong walang hanggang katunggali

Masaktan man kaming muli't muli,

at pait siyang pumalit sa'ming ngiti.

Sasabay pa rin kami sa iyong kumpas

at maglilingkod pa rin nang may galak.

Hahamakin ang maging ano pa man,

Nang mapag-isa ang siyang watak-watak.

Baguhin Mo ang sugatan kong katawan

At hilumin nang Kita’y matagpuan.

Manghina man ang aming kalooban,

Walang titinag/ basta’t ika’y nariyan.

Unos man ang hamak ng kasalukuyan

Pag-ibig Mo’y pag-asa sa kinabukasan.

Sugatan man, kami ay tatalima

Tatawirin kahit anong hadlang

Loob Mo’y siyang aming ipamamalas

nang baguhin mo maging ang aming bayan.

Baguhin Mo ang sugatan kong katawan

At hilumin nang Kita’y matagpuan.

展开显示全部歌词