I.
Alam mo ba nung una kang makita
Ako’y natulala at ako’y napanganga
Di makapaniwala sa iyong ganda
Tumatakbo ang oras di ako mapalagay
Pa’no ka makikilala sa dami ng kasabay?
Pinagpapawisan at nilalamig aking kamay
Susugal nalang sa’yo kahit ako ay
sumablay
Refrain 1:
Mukhang suplada
Pero nung ngumiti ka
Parang isang eksena na
Sa isang pelikula
Ako ang direktor
Ng buhay kong buhol buhol
Di ko kailangan ng iba
Sakin ikaw ang nag iisa
Chorus:
Di na baleng kay Catriona
Di na baleng kay Ivana
Basta’t ikaw ang kasama
Ako’y kompleto na
Ikaw ang bida
Kung ang buhay ko ay pelikula
Di na baleng kay Catriona
Di na baleng kay Ivana
Basta’t ikaw ang kasama
Ako’y kompleto na
Ikaw ang Reyna
Sa buhay ko ika’y nag iisa
II.
Nangangarap ng gising hawak ko daw iyong
kamay
Nagdadasal na hindi na tayo maghiwalay
Para sa’kin ay wala kang katapat at
kapantay
Di pagpapalit kahit na sino pa ang kumaway
Refrain 2:
Dalagang Filipina
Lalo nung ngumiti ka
Parang isang eksena na
Sa isang pelikula
Ako ang direktor
Ng buhay kong buhol buhol
Di ko kailangan ng iba
Sakin ikaw ang nag iisa
Bridge:
Kahit na anong mangyari ay hindi ka iiwan
Lahat gagawin para sayo makuha ka
lamang
Maghihintay ako kahit abutin ng bukas
Dahil kung ikaw ang premyo di na ko
maghihirap
Iaalay ang lahat kahit ang sweldo ko pa
Kay Idol Raffy hindi na tayo aabot sinta
Ikaw lang hanggang sa dulo maniwala ka
sana
Na hindi kita pagpapalit wala ng iba!