Madan Mo Ang Kapaligiran-ASIN

Madan Mo Ang Kapaligiran

歌手:ASIN

时间:2018-04-05

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
猜你喜欢的歌曲
歌词

Madan Mo Ang Kapaligiran - ASIN

Lyrics by:Lolita Carbon/Cescar Bañares/Jr.

Composed by:Lolita Carbon/Cescar Bañares/Jr.

Wala ka bang napapansin

Sa iyong mga kapaligiran

Kay dumi na ng hangin

Pati na ang mga ilog natin

Hindi na masama ang pag-unlad

At malayo-layo na rin ang ating narating

Nguni't masdan mo ang tubig sa dagat

Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin

Sa langit huwag na nating paabutin

Upang kung tayo'y pumanaw man

Sariwang hangin sa langit natin matitikman

Mayro'n lang akong hinihiling

Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan

Gitara ko ay aking dadalhin

Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Ang mga batang ngayon lang isinilang

May hangin pa kayang matitikman

May mga puno pa kaya silang aakyatin

May mga ilog pa kayang lalanguyan

Bakit 'di natin pag-isipan

Ang nangyayari sa ating kapaligiran

Hindi na masama ang pag-unlad

Kung hindi nakakasira ng kalikasan

Darating ang panahon

Mga ibong gala ay wala nang madadapuan

Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag

Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan

Lahat ng bagay na narito sa lupa

Biyayang galing sa diyos kahit no'ng ika'y wala pa

Ingatan natin at 'wag nang sirain pa

'Pagka't 'pag kan'yang binawi tayo'y mawawala na

Mayro'n lang akong hinihiling

Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan

Gitara ko ay aking dadalhin

Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

展开显示全部歌词