(Walang Kapantay)
At sa gabing ito, ay aking matutunghayan ang iyong kagandahan
O kay ganda ng iyong mga labi,
O kay ganda ng iyong mga ngiti
Hindi kumukupas, ang iyong kagandahan na kahit sinuman ay walang makakapantay
Wala kang makakapantay
Wala kang makakapantay
(Liwanag)
Hindi ko matanggap na nagbago ang lahat
Hindi ko matanggap na nagbago ang lahat
Kumapit ka sa'kin
Kumapit ka sa akin
Hindi na mapigilan ang pagmamahal sayo
Pero nang mawalay ka'y bigla lang naglaho
Kumapit ka sa'kin
Kumapit ka sa akin
Hindi na mapigilan ang pagmamahal sayo
Pero nang mawalay ka'y bigla lang naglaho
Ang iyong liwanag sa mata
Na nagbigay ng kulay sa mundo
(Wala Na)
Akala ko nung una, wala kanang iba
Bakit pag nagkikita ka'y wala ang sigla
Akala ko nung una, ay tayo lang dalawa
Ang magkasama sa pag-ibig mong walang hanggan
Ngunit nung ika'y lapitan
Ako'y tinamaan
Ng takot at kaba sa'king nararamdaman
Ako'y naniniwalang wala nang iba, ngunit kapag kausap ka'y wala ang saya
Sayo'y naniwala, buhay kong akala ko ay
Magiging masaya pag kasama kita
Pilit nagtiwala kahit na wala na
Sa aking isip na ako'y nababaliwala
(Paglisan)
Bakit nga ba lumabo ang pag ibig natin na binuo
Hindi ko namamalayan na ako lang pala ang lumalaban
Hindi mo man sabihin, alam kong may pagkukulang din ako
Oh ba't sinabi mo sa akin, hahanapin mo ang 'yong sarili
Ngunit hindi sapat ang dahilan para lamang ako 'yong iwan
Bakit ka ganyan? binigay naman lahat, bigla mong iniwan ang pusong sabik mag mahal
Oh ba't ganyan, ginawa naman lahat at hindi malaman ang dahilan
(Wala Na)
Pilit kang, kinakalimutan
Ewan ko ba, bakit di maalis sa isipan
Ang iyong pangakong hindi ka bibitaw
(Paglisan)
Bakit ka ganyan? binigay naman lahat, bigla mong iniwan ang pusong sabik mag mahal
Oh ba't ganyan, ginawa naman lahat at hindi malaman ang dahilan ng 'yong paglisan
Bakit ka ganyan? binigay naman lahat, bigla mong iniwan ang pusong sabik mag mahal
Oh ba't ganyan, ginawa naman lahat at hindi malaman ang dahilan ng 'yong paglisan