Ang buhay ay parang larong palosebo
Higpitan ang kapit kung ayaw madedo
Disiplina para iwas madiskalipikado
Ang mahalaga gumagalaw kahiti isang sentimetro lang
Sa taas ang tingin wag magmadali
Natural magtiis di yan madali
Tyagain mo lang din di ka masasawi
Dahil di nakukuha sa bilis ang pagkawagi
Kadalasan nga kung sinong pinakatahimik
Yun ang may pinakamainit at pinaka matinde
Depende din sa pagkagigil at dapat di mapagpapigil
Sa huli tanging sarili kalaban mo't kakampi
Pagmasdan mo't tignan damahin
Pagisipan mo ang lahat bago mo galawan
Asahan mo na kapag naumpisihan mo yan
Wala ng ibang pupuntahan kundi ang tuktok
Palo palo ng palo palo ng palo
Kailangan mong sikmurain kahit minsan ay masebo
Palo palo ng palo palo ng palo
Hanggang ang tagumpay na mismo ang makabeso beso
Palo palo ng palo palo ng palo
Kailangan mong sikmurain kahit minsan ay masebo
Palo palo ng palo palo ng palo
Hanggang ang tagumpay na mismo ang makabeso beso
Kung mataas pangarap mo dapat di ka lulain,
Masakit yung simula ng mga gustong gumaling
Yung apoy sa katawan mo wag mong aapulahin,
Minsan yung pinakamainit yung madalas ulanin
Kung may kayod kalabaw ako kadkaran ng niyog,
Natural na sa ugali kong makipag kayuran
Imposibleng di maging bigas tong palay pagkatapos bayuhan
Yung beat ni EC matik alam mo na yan,
Talagang may kalalagyan pag nag alimpuyo to,
Di pangalan, pangarap na yung binubuo ko
Walang kadala-dala tong hintuturo ko,
Dalawa puyo kaya matigas yung ulo
Kahit parang palosebo yung tagumpay napakadulas,
Yung kapit sa kawayan ang lala
Alam yan ng mga taga Gen. T. hanggang Marulas,
Pag kami nag pa apoy sunog to parang palara
Palo palo ng palo palo ng palo
Kailangan mong sikmurain kahit minsan ay masebo
Palo palo ng palo palo ng palo
Hanggang ang tagumpay na mismo ang makabeso beso
Palo palo ng palo palo ng palo
Kailangan mong sikmurain kahit minsan ay masebo
Palo palo ng palo palo ng palo
Hanggang ang tagumpay na mismo ang makabeso beso