Uulit Pa-YoungBoy Nuke
    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
歌词

Sabi ko sa sarili ko hindi na ‘ko uulit pa

Na umibig pero nagbago lahat nung nakilala ka

Kahit na masaktan muli basta lang makasama ka

Hindi ko na gustong lumayo ka kaya bahala na

Akala ko sa sarili ko ay ‘di ko iisipin

Pero nung nakilala ka gustong ulitin

‘Pag nasa tabi mo hindi ko kayang pigilin

Basta ‘pag kasama ka gusto laging sulitin

Hmm ‘di ko pa alam ano ang meron sa iyo

Ayoko na sanang paikutin ang mundo ko

Pero ngayon handang gawin

Kahit ano gusto mo yeah yeah

Hmm ‘di akalaing mararamdaman muli ito

Bakit ba napapraning kung ikaw ang kasama ko

‘Di mapigil ngumiti ‘pag nakikita kita kasi

Dahil sa ’yo ay nagbago, ngayon iba na ‘ko

Biglang nagkakulay ang aking mundo

Ayoko nang mawala ‘to, sana’y hanggang dulo

Kung ako man ay magiging sa ’yo

Magiging sa ’yo

Magiging sa ‘yo

Magiging sa ’yo

Nagbago, kala ko lahat ng ‘to dati malabo

At takot kasi baka muling matalo

Bakit ngayon ayaw ko nang mawala ‘to

Sabi ko sa sarili ko ‘di na ‘ko uulit dyan

Sinubukang kalimutan ‘di gustong mabalikan

Pero nung dumating ka sabi ko eto na naman

Panibago ‘di alam kung sa’n ko ba sisimulan yeah

Dati gusto lang sumaya kahit na mag-isa yeah

Sabi ko ayoko na ngayon ginagawa yeah

Mga plano nagbago nung nasilayan ka yeah

Dahil sa ’yo iba na ‘ko takot ay nawala yeah

Dahil sa ’yo ay nagbago, ngayon iba na ‘ko

Biglang nagkakulay ang aking mundo

Ayoko nang mawala ‘to, sana’y hanggang dulo

Kung ako man ay magiging sa ’yo

Magiging sa ’yo

Magiging sa ’yo

Magiging sa ’yo

展开显示全部歌词