Magpakita Ka Na - Zephanie
Lyrics by:Miguel Mendoza III
Composed by:Miguel Mendoza III
Saan ba nagtago
Pag-ibig na 'di ko mahanap
'Di dapat mahulog
Ang puso kong muntikan nang masaktan
Ang hirap pigilan
Kung tibok ng puso ang susundan
Bakit ba naguguluhan
Naguguluhan
Pag-ibig ba sadyang ganyan
Handa na 'kong masaktan kung kinakailangan
Ang pag-ibig daw hindi laging tag-araw
Nakakainip mag-abang sa tadhana
Saan ba matatagpuan ayoko nang taguan
Baka sakali lang magpakita ka na
Ha-oh-oh
Kailan ba tatama
Ang pana ng pag-ibig na nakalaan
Sabihin sa akin
Kung ga'no katagal mag-aantay sa iyo
Bakit ba nangangamba
Pag-ibig ba sadyang ganyan
Handa na 'kong masaktan kung kinakailangan
Ang pag-ibig daw hindi laging tag-araw
Nakakainip mag-abang sa tadhana
Saan ba matatagpuan ayoko nang taguan
Baka sakali lang magpakita ka na
Magpakita ka na
Sige na 'wag ka nang maglaro
Sang-ayon na ang panahon 'wag mong palipasin
'Wag mong itapon 'wag mong pigilan
'Wag mong sayangin 'wag mong pakawalan
Magpakita ka na
Ha-ha
Ang pag-ibig daw hindi laging tag-araw
Nakakainip mag-abang sa tadhana
Saan ba matatagpuan ayoko nang taguan
Baka sakali lang
Baka sakali lang magpakita ka na
Magpakita ka na magpakita
Magpakita ka na magpakita
Magpakita ka na