
在手机上保存,获得更好体验
Sagabal ka man, wala ka lang sa'kin tol
Tumabi ka diyan kung ayaw mong mabundol
Tabi ka dyan, kayang kaya na yung alon
sinala, yung kasama , mas ,malakas sa kahapon
Pinulot lang, yung tama, hinayaan yung nang iwan
nakinig sa namamayo, hindi nag patagisan
mag ipon. bawiin ang enerhiyang nawala.
naabuso man noon, nagbalik at nag tiyaga
rumebanse, kung kumase, may palag, pinamuka
nung nadale, pinahilom , nag ingat, nakaisa
HINDI NA, MABABAGO, GANYAN NA DATI,
HUMUSAY PA, NANG SOBRA, HINGANG MALALIM
PILIT SILANG KUMONTRA, MGA KAKLASE
TUMUTOK SA SARILI, NAGPAKA HIGANTE
NGAYON SINO NAWALAN, OWWWW..
AKO NAPAKINGGAN OWWW
AKO ANG DAHILAN.. OWWWWW
PILITIN MO PADIN MAGING IKAW HAH
Chorus:
Sagabal ka man, wala ka lang sa'kin tol
Tumabi ka diyan kung ayaw mong mabundol
Tabi ka dyan, kayang kaya na yung alon
sinala, yung kasama , mas ,malakas sa kahapon
Tumabi ka diyan. Tumabi ka diyan.
Apoc verse:
Lahat naranasan ko na
Personal, pinansyal na mga sakuna
At niloko ng babae at nakakasuka
Mga tropa na nagsilaho na parang bula
At pinagkakitaan dahil may pangalan
Kabaitan ko inabuso ng sagaran
At nahila pababa ng mga talangka
dahil mga akda pangmalakasan
Habang baliko ang guhit ng palad
Pagpag balikat at tuloy sa pagsabak
Taas noo sa bagyo at habagat
Kahit salungat ang hangin, pasulong ang paglakad
Walang hadlang sa pagabot ng mga
Pangarap at hangarin ko. Ganun talaga.
Ako ay handa sa dagok ng kapalaran
At ang tanging sagot ko diyan ay kamao sa panga
Last verse:
Masyado nang hinog para sa mga
Pagsubok kaya di 'to natataranta
Marunong tumayo sa pagkadapa
Kung ako sayo, tumabi ka na kaya
Tumabi
Please lang huwag kang humarang sa'king daanan
Tumabi
Kasi panigurado ika'y masasagasaan
Tumabi
Please lang huwag kang humarang sa'king daanan
Tumabi ka na.