Verse I:
Lahat ng bagay ay may katapusan
Di lahat ng oras sila ay andyan
Wag ipag walang bahala ang nasa harapan
Yakapin mo siya ng may kahulugan
Refrain:
Maraming oras ang nasasayang
Sa tuwing ika’y nagdadahilan
Kung pwede ko lang balikan
Siya ay aking hahagkan, mmm…
Chorus:
Yakapin mo na siya
Sabihing mahal mo siya
Baka bukas huli na
Verse II:
Maraming kwento na akong na saksihan
Kung hindi ngayon kailan pa
Huwag mong antayin ikaw ay masaktan
Bago mo makita siya pala’y mahalaga
Coda:
Yakapin mo yakapin mo na siya
Yakapin mo yakapin mo na siya
Yakapin mo yakapin mo
Yakapin mo na siya