
在手机上保存,获得更好体验
I
Pag angat sa buhay ang tanging pangarap ng mahirap
Subalit kahit anong sikap ay di sumasapat
Di makakuha ng disenteng tulog si ina at ama
Laging problema kung meron bang bigas na isasaing pa
Hook:
Masakit mamatay ng dilat
Kumayod ma'y laging salat
Hustisya'y di mahagilap
Sa bayan ni Juan
II
Ang sabi sa amin ng edukadong kinapos sa pandama
Kami raw ay tamad, kaya sa kahirapan kami'y nasasadlak,
Diploma'y sandata sa lipunan, lalo kung may pera
Napag iwanan kaming mga dukha sa de-prebilehiyong sistema
Hook
Bridge:
Wala pa ang araw simula na sa pagtitinda
Pandesal taho at puto
Kendi at sigarilyo
Pagsapit naman ng dilim
Ang sigaw ng mama ay
Balot, Penoy, Buhay namin ay binababoy!
Walang pahinga gabi man o umaga
Para panlaman sa nagmumurang sikmura
Lahat kinalakal
Bakal, bote
At puri