Heto na
Ang hinihintay natin
Aalis ka na
At iiwan mo ako
Di akalain
Na gagawin mo talaga
Inimpake mong lahat
Pati ang puso ko
Kung pwede lang
Ay pinigilan na kita
Pero mukhang buo na ang loob mo
Bahala ka
Kaya kung pwede
Ay easyhan mo lang
IIsa lang naman kasi ang 'yong kalaban
Kung pwede lang
Ay pinigilan na kita
Pero mukhang buo na ang loob mo
Sigurado ka na ba?
Pero kung magbago
Ang isip mo sinta
Ay nandito lang ako
Para sa'yo