Pagbigyan - Repablikan
Composed by:Repablikan
Produced by:Siobal D
Pagbigyan mo
Ang puso ko
Na umibig
Sa katulad mo
Limutin na ang iyong
Nakaraan
Kung san ikaw ay nasaktan
At kung ako ay
Iibigin mo
Pangako ko sayoy
Hindi magbabago
Sa puso ko
Ikay nagiisa
Mamahalin magpakailanman
Kung minsan ang mundo natin ito'y lubhang malabo
At gusto mong abutin kung ano pa ang s'yang malayo
Kahit na alam mo na ikay maaaring masaktan
Sadya nga ba ang pag ibig ay mahirap pagtakpan
Kaya naman kahit alam ko nang ako ay tagilid
Nagbabaka sakali na sa awit koy mabated
Kung may isang katulad ko na sa iyoy may pagtingin
Tanging saking panaginip nakukuhang lambingin
Ang sang katulad mong ang puso ay mayron ng laman
Isang lalaking na walang alam gawin kundi saktan
Ang puso mo at 'yan ay nababasa ko sayong mata
Na kahit na kayoy wala na ay balot ng pangamba
Na baka sya ay tuluyan ng sa'yo di magbalik
Gabi gabi tanging luha sayong pisngi humahalik
Mahal kita ngunit laging bukambibig mo ay pangalan niya
Kahit na nga sayo sya ay tuluyan nagpaalam na
Pagbigyan mo
Ang puso ko
Na umibig
Sa katulad mo
Limutin na ang iyong
Nakaraan
Kung san ikaw ay nasaktan
At kung ako ay
Iibigin mo
Pangako ko sayoy
Hindi magbabago
Sa puso ko
Ikay nagiisa
Mamahalin magpakailanman
Dahil sa labis na saket nawalan na ng tiwala
Na may tunay na pag ibig na tapat at syang dakila
Na sayo ay nararapat at syang dapat matamo
Buksan mo lang sana ang puso mo at pakinggan ito
Mahal kita at ang aking tanging naging saksi ay langit
Sa dami ng manliligaw di na nagawang lumapit
At lalo pang nalayo nang ikay may sinagot
Sa labis na kirot ang puso koy muntikang nilagot
Kaya pnilit kong itago na lang ang nadaraama
Naging sandalan mo ako kapag ikay nagdadrama
At kamuntikang mapunta sa landas na di wasto
Salamat po panginoon pagat sya naiwas mo
At naipakilala sa isang binatang tulad ko
Na di masabi ang nadarama kayat sinulat ko
Mahal kita sayang ang luha mo kung iiyak ka lang
Kung iibigin mo lang sana at pagbibigyan mo lang
Pagbigyan mo
Ang puso ko
Na umibig
Sa katulad mo
Limutin na ang iyong
Nakaraan
Kung san ikaw ay nasaktan
At kung ako ay
Iibigin mo
Pangako ko sayoy
Hindi magbabago
Sa puso ko
Ikay nagiisa
Mamahalin magpakailanman