Metanoia - Jack Rufo/Barbara Ponciano
Binuksan mo ang mundo ko
Mata'y minulat sa pagasa
Kaya ko rin lumipad at maglaro
Noon akoy walang muang at musmus
Ang sarap pala maglakbay at dumausdos
Mula sa lupa
Ako'y bumangon
Lumipad iniwan ang isipan
Di na babalikan ang kawalan
Tuklasin ang mundo ng metanoia
Mundo mo at mundo ko
Pinagisa ng tadhana
Magara't pambihira di man nila makita
Ikaw at ako ay iisa
Liwanag ang syang bumabalot sa mga mata
Lulumluha ang pusong nagdurusa
Mula sa lupa
Akoy bumangon
Lumipad iniwan ang isipan
Di na babalikan ang kawalan
Tuklasin ang mundo ng metanoia
Tatahakin ko ang landas
Ng buwan at araw
Ang sarap maglakbay
Bigyan kulay mula sa dilim
Akoy umaahon
Lumipad iniwan ang isipan
Di na babalikan ang kawalan
Lumipad iniwan ang isipan
Di na babalikan ang kawalan
Tuklasin ang mundo ng metanoia