
在手机上保存,获得更好体验
1st Verse
Ang daming mong pwedeng isipin sa bawat araw na lumilipas
Kung may problema maging malungkot hindi yun lunas
Aangat ka rin basta wag ka lang mandugas
Kung kaya mong gawin ngayon wag mo ng ipag pa bukas
Abante lang palage (yeah) hanggang may mang yare (yeah)
Pangarap ay kilusan mo sipagan pa ng triple yeah
Sa iyong paligid ay wag kang dumepende
Walang imposible basta magtiwala sa sarile . (yeah)
Alam kong kaya mo
Keep it up asintahin ang mga gusto mo
Makukuha mo ren lahat mga problemay matatapos
Magulong mundo mo ikaw lang ang makaka ayos
Pudpudin mo ang sapatos at ilakad ng ilakad
Sagarin mo ng husto kung ikaw ay mangagarap
Bigyan mo ng katuparan kung ano man mga balak
Tuloy tuloy mo lang basta safe ang tinatahak
Chorus
Kilusan mo palagi ang pangarap
Para matupad at
Wag mo nang isipin
Ang mga intindihin
At sa problema ay magbabad (wooh)
Laging magpasalamat
Sa mga pagkakataon
Doon ka nalang lumingon
At kalimutan ang problema, ohh yeah ohh yeah
2nd Verse
Ano mang panget ng gabe may magandang umaga
Kaso hapon na pre anjan kapa naka hilata
sa isip isang tabe yung kagustuhang tumunganga
tanong ko lang eh di kapa ba nagsasawa
dapat habang tayoy bata eh kayod lang ng kayod
wag yung puro pahinga hindi kapa nga napapagod
ngumiti pa minsan minsan iwasang sumimangot
mag banat ka ng buto kesa naman ugaling mang buraot
nakakatakot man yung hamong parating
bakit susuntok sa buwan kung pwede namang ratratin
wag kang titigil maniwala na kaya mong abutin
kasi kung kinaya ng iba malamang ay kaya mo rin
iyong dinggin kung ano man sinasabe ng yong puso
wag sundin ang iyong utak na gusto lamang ang luho
akyatin mo pataas pagkat dun tayo patungo
hangarin mo na lahat wag lang lumaki ang ulo . (oh yeaah)
Chorus
Kilusan mo palagi ang pangarap
Para matupad at
Wag mo nang isipin
Ang mga intindihin
At sa problema ay magbabad (wooh)
Laging magpasalamat
Sa mga pagkakataon
Doon ka nalang lumingon
At kalimutan ang problema, ohh yeah ohh yeah
3rd Verse
Mga hamon ng mundo kakayanin kahit na
Mahirapan man ako di na para mag iba
Panindigan mo na naiintindihan kita
Sindihan mo na baka masindihan pa ng iba