
在手机上保存,获得更好体验
Good morning
Hello, Universe
Hello, Earth
Ah, ako si Mister Tililing
Sinasagot ko lahat ng mga katanungan
Kahit na tanong ng mga aso, ng mga langgam, kaya kong sagutin 'yan
Ganun kalawak ang utak ko
Ngayon, katabi ko si Kuya Dark Contract
Meron s'yang itatanong sa'kin na sa kaalaman ko'y kayang-kaya kong sagutin
Sige, Kuya Dark contract, sabihin mo ang katanungan mo
Mr. T, magandang gabi po
Oy, sige, sige
Magandang gabi naman sa'yo, alien people
Anong katanungan mo?
Itatanong ko lang po ay... umuutot po ba ang mga alien?
Naku, mahirap... 'di ko alam ha, pero titingnan ko lang
Titingnan ko sa bandang gilid ng utak ko...
Ayun! Nakita ko na ang sagot sa mga katanungan mo
Umuutot din ang mga alien, Kuya Dark, Kuya Dark Contract
Maraming salamat po!
Kilala mo si Incredible Hulk?
Opo
'Yan
Si Incredible Hulk ay kulay green. Ano ba'ng kulay ng alien? (Ano po) Kulay green
Ah, depende
May kulay green?
May kulay green din po
'Yun
Ang mga utot ng alien ay naiipon sa universe na parang galaxy, parang Milky Way
Kapag ito ay nabuo at naipon na parang isang malaking ulap, ito ay delikado sa mga makalalanghap nito
Kagaya ni Incredible Hulk
Opo
Sumabog ang kanilang sasakyan, at nasinghot n'ya ang gamma wave
'Diba yun yung kulay green na utot ng mga alien, nakita mo naman 'diba?
Maraming salamat po, Mr. Tililing!
Sabi sa'yo, umuutot din ang mga alien
Hngh-hehehehehe