Bayad Ko-Gloc 9

Bayad Ko

歌手:Gloc 9

专辑:Matrikula

时间:2009-06-26

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
猜你喜欢的歌曲
歌词

Bayad Ko - Gloc 9/Noel Cabangon

Written by:Aristotle Pollisco

Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi

Bababa na po ako eto po ang bayad ko

Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi

Bababa na po ako eto po ang bayad ko

Si mang berto na sumakay sa may kanto

At'eto na ang simula ng mga kwento

May kaisa isang anak na babae ngalan ay luisa isang estudyante

Ang pag-aaral iginagapang upang kahirapan ay matakasan

Isang gabi ng marso bandang alas otso maagang umuwi ng bahay si mang berto

May dalang supot ng pansit at mamon maligaya kahit sa bihirang pagkakataon

Bukas ay magtatapos na sa kursong kinuha ang kanyang pinakamamahal na si luisa

Dapat sana'y meron na silang patutunguhan ngunit

Sadya bang may sumpa itong ating lipunan

Dahil natagpuang patay sa ilalim ng tulay

Pangarap ni luisa inanod lang na kasabay

Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi

Bababa na po ako eto po ang bayad ko

Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi

Bababa na po ako eto po ang bayad ko

Pagdaan sa may quezon avenue sumakay naman si ate marilou

Bente kwatro anyos walang natapos ang anak ay nasa icu

Pag patak ng alas onse naka-kolorete

Siya'y nasa tabi at pumapara ng kotse

Kahit dos bente kanyang papatulan pambili ng g

Amot para malunasan kahit isang araw lang buhay ng kanyang anak ay madugtungan

Bukas ng gabi naman may ilang buwan

Na ring kanyang ginagawa walang matagpuan walang syang magawa

Bakas sa mukha lahat ng pait ngunit sanggol

Nya'y walang kapalit kahit alam

Nyang siya'y nahawa ng sakit para

Sa kanyang anak gagawin ng papikit

Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi

Bababa na po ako eto po ang bayad ko

Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi

Bababa na po ako eto po ang bayad ko

May isang batang nakasabit sa istribo

Anim na taon ang pangalan ay benito

Maghapon magdamag syang nagtratrabaho

Punas ng sapatos at bote't dyaryo para may makain ang tatlong kapatid lima apat

Dalawang taon at isang batang paslit

Pa lamang ay nakaatang na kanyang balikat

Responsibilidad iniwan ng ama'y nalipat

Ng ipinasok sa kulungan ang ina sila'y iniwan

Sinubukan nyang pigilan ngunit siya'y

Pinagtulakan hanggang sa nagkasakit ang bunsong

Kapatid at sa isang kariton ang hininga'y

Napatid ngayon ay di nabatid kung ano ang syang

Hatid ang bukas para kay benito na tila parang manhid

Na sa hapdi dulo't ng mga pangyayari

Sumisinghot ng rugby bumaba sa may malate

Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi

Bababa na po ako eto po ang bayad ko

Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi

Bababa na po ako eto po ang bayad ko

Kahit na ano mang hirap ang sa ati'y dumating

Tumawag lang kay mamang driver tayo'y makakarating

Kahit na ano mang hirap ang sa ati'y dumating

Tumawag lang kay mamang driver tayo'y makakarating

Mama' para'

Mama' para'

Mama' para'

Tayo'y makakarating

Mama' para'

Mama' para'

Mama' para'

Tayo'y makakarating

展开显示全部歌词