Gusto ko lang na gumaan
Bigat na nararamdaman
Pa’no ihihiwalay
Ang lungkot sa ligaya
Ng ating alaala
Gustong lumaya
Ang hirap ay ‘di ko na kaya
Sabihing ako’y talunan
Ang may kasalanan
Ba’t ‘di nagkatuluyan
‘Di na kailangan pag-usapan
Ako na ang may kasalanan
Pwede mo na akong bitawan
Paano ko ba mapapagaan
Pa’no ba bibitaw nang ‘di kita nasasaktan
Kailangan pa ba na may sugatan
Huwag nang pahirapan
Maghiwalay na lang nang magaan
Ang panalangin ko
Ay mapatawad mo ako
Nilaban naman
Pero ‘di ko kaya na makita
Luha sa ’yong mga mata
‘Di na kailangan pag-usapan
Ako na ang may kasalanan
Pwede mo na akong bitawan
Paano ko ba mapapagaan
Pa’no ba bibitaw nang ‘di kita nasasaktan
Kailangan pa ba na may sugatan
Huwag nang pahirapan
Maghiwalay na lang nang magaan
Mas kakayanin
Kung dito na tatapusin
Ako’y handa na
Kung ako ang sisisihin
Nais kong ika’y makawala
Sa kulungan na ating nagawa
Maaari nang bumitaw nang magaan
Paano ko ba mapapagaan
Pa’no ba bibitaw nang ‘di kita nasasaktan
Kailangan pa ba na may sugatan
Huwag nang pahirapan
Maghiwalay na lang nang magaan
Maghiwalay na lang nang magaan